Sa unang kita at dinig pa lamang sa Matanglawin bilang pangalan ng isang pahayagang pang-mag-aaral, sadyang hindi kaagad-agad mahihinuha ang nais ipakahulugan o ipahiwatig ng salitang ito. Kaiba ito sa ibang taguri, salita o pangalan na hayag na ang kanyang ibig sabihin sa unang pagbasa?t pagkarinig pa lamang. Kung magsisilbing batayan ang panitikan ng Pilipinas, mapanghamon at nakatatakot ang mga konotasyong nakakabit sa pangalang Matanglawin.